Tagalog
Kagalang-galang na Madam/ Sir,
Salamat sa inyong paglahok sa FDPI (Flood Disaster Preparedness Indices) survey. Itinayo ng ICHARM (International Centre for Water Hazard and Risk Management sa pagtangkilik ng UNESCO) ng PWRI (Public Works Research Institute) sa Japan ang website na ito bilang bersyong in-upgrade batay sa pananaliksik naming isinagawa bilang bahagi ng mga gawain ng Typhoon Committee, samahang sumasailalim sa pagtangkilik ng WMO (World Meteorological Organization) at UNESCAP (United Nations Economic and Social Commission for Asia Pacific).
Binuo ang FDPI upang magamit lalong-lalo na ng mga opisyal ng pangangasiwa sa sakuna sa bawat pook para sa sariling pagsusuri ng kahandaan sa sakuna ng pagbabaha sa kanilang pook. Sa pamamagitan ng paggamit ng website na ito, maaaring masuri nang matapat ang inyong pook upang malaman nang tiyak kung ano ang dapat pagbutihin at kung anong suporta ang kailangang matanggap mula sa ibang samahan. Magiging kapaki-pakinabang na sanggunian din ang natipong resulta para mapalakas ng iba’t ibang bansa sa mundo ang kanilang kahandaan sa sakuna ng pagbabaha.
Kaugnay sa pangangasiwa sa sakuna sa inyong pook ang mga sumusunod na katanungan. Mangyari lamang na basahin ang bawat tanong at piliin mula sa limang maaaring sagot ang sa palagay ninyo ay nagpapahiwatig ng kalagayan sa inyong pook. Hinahangad naming maging kapaki-pakinabang at epektibo ang FDPI upang mapahusay ang kahandaan sa sakuna ng pagbabaha ng inyong pook.
Kung mayroon kayong katanungan ukol sa website na ito, huwag mag-atubiling makipag-ugnayan sa amin.
(Tinitiyak naming lubos na kumpidensiyal ang lahat ng inyong mga kasagutan. Sa tinipong anyo lamang iuulat ang resulta ng survey na ito, at hindi kayo o ang inyong pook maitutukoy mula sa datos nang walang pahintulot mula sa inyo.)
Taos-pusong sumasainyo,
Mga kasapi ng ICHARM